Martes, Disyembre 22, 2015

So we've been hearing a lot about Success200 Marketing International. Some say that it is really a good opportunity,  some say that it is a scam. But what is really Success200 Marketing International?

Success200 Marketing International is registered at SEC, has several government licenses to operate, and has a physical office at Cubao. From this sentence, we can say that Success200 is NOT A SCAM.

Q:Eh ano po yung mga naririnig naming scam daw ang Success200?
A: Kaya po kumalat ang mga balitang scam daw ang Success200 dahil marami ang hindi naging successful dito. May mga taong "natengga" ang tables at sumuko na kaya sinasabing na-scam sila. Isa pang dahilan kung bakit sinasabing scam ang Success200 ay dahil sa maling paraan ng pagpromote nito. May mga taong nagsasabing "investment" daw ang nilalagay na pera sa success200. At ang ibig sabihin kapag sinabing investment ay kikita ka kahit wala kang ginagawa, na hindi naman talaga pwede sa ganitong industriya.

Q: So SCAM nga po ba?
A: Kung ako ang tatanungin niyo, HINDI ang magiging sagot ko. Ako ay may pitong account sa Success200. At aaminin ko sa inyo, marami ang hindi pa din nakakaexit sa mga account ko na yan. Pero ang iniisip ko na lang, hindi naman nawawala ang pera ko. Nandyan lang yan. Kapag trinabaho ko, may makukuha pa din naman ako. Siguro nasa pananaw lang ng tao yan. Kung susuko ka na at papabayaan mo na yung pera mo, eh malamang nga na-scam ka: Na-scam ka ng sarili mo. Kasi ang ibig sabihin ng scam, tinakbuhan ka, kasama ng pera mo. In that case naman, pinabayaan mo ang pera mo.

Hindi ko ito sinasabi para pagandahin ang imahe ng Success200. Sinasabi ko ito dahil ito ang totoo. Pero, ito ang ilan sa mga bagay na makakapagpaliwanag sa iyo ng katayuan ng Success200 ngayon:

1. Late ang mga product
- Sasabihin na product movement ang ikinabubuhay ng kumpanya pero nagmumukha lang itong "front" dahil delayed naman ang distribution ng products.

2. Late ang pagbubukas ng office
- 10am daw sila magbubukas pero tapos na ang lunch di pa din bukas.

3. Humina na dahil sa mga issue.
- Siguro kailangan ng kumpanya ngayon na solusyunan ang mga "tenggang" tables para bumalik ulit ang tiwala ng mga tao.

4. Nandyan pa din, nakatayo, nasa opisina. Meaning, "existing" pa din.

Ang maipapayo ko lang, bago kayo sumali sa mga networking companies, magresearch muna. Pag-aralan ang compensation plan. At kung sa tingin niyo kaya niyo, then go for it. Take the risk. If you didn't get what you are expecting, then maybe you have so little knowledge about the company, or maybe networking is really not for you.

IF YOU HAVE QUESTIONS ABOUT SUCCESS200, FEEL FREE TO LEAVE A COMMENT. THANK YOU!